Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2017

Bakit nga ba mahal kita?

Bakit Nga ba Mahal Kita?

Matagal ko na itong tinatanong sa aking sarili. Bakit nga ba mahal kita? Paano ba nagsimula ang lahat? Paanong sayo tumibok ang aking puso? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sayo natuon ang pagmamahal ko?

Mga katanungang hanggang ngayon ay hindi ko mabatid ang mga kasagutan. Mga tanong na kailanman ay hindi ko siguradong masasagot. Mga katanungang bumabagabag sa aking isipan.

Sana balang araw, mahanap ko ang kasagutan sa mga tanong na yan. At sana balang araw, maintindihan ko ang lahat. EhrichDValiant

Isang Liham para sa Iyong Kaarawan

Ikadalawamput-dalawa ng Mayo, taong dalawang libo at labing-pito.

Una sa lahat, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan. Nawa'y palagi kang maging masaya at malusog. Sana patuloy kang biyayaan ng Panginoong Maykapal ng madami pang magagandang bagay at kasiyahan na panghabambuhay.

Hindi ko man magawang batiin ka ng personal, ito ma'y sa text o chat o messenger, pero nais kong ipabatid na hindi ko kailanman nalilimutan ang araw ng iyong kapanganakan bilang itinuring kitang isang mabuting kaibigan. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng ating pagkakaibigan, lubos pa din ang aking pasasalamat na minsa'y dumaan ka, namalagi kahit sandali at tuluyang umalis sa aking buhay. hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit tayo nagkaganito, kung anong nangyari kung bakit biglang nawalan ng komunikasyon at naging estranghero sa isat-isa. pero kahit na anong mangyari, ituturing ko pa din na isa ka sa pinakamagandang alaala na dumaan sa aking buhay.

Maitutring kong isa ka sa m…

"An open letter to the Man who made me fall and left Me"

Anyare satin? Bigla-bigla ka na lang hindi nagparamdam ah! Sakit nun sa totoo lang. Alam ko naming wala kang pake kasi ang saya-saya mo nga eh. Alam mo, inggit na inggit ako sayo eh. Buti ka pa kaya mong maging masaya. May nagawa ba ako sayo? Parusa ko ba ito? Ako ba ang dahilan ng break-up niyo? sana naman sinabi mo na lang  lahat sakin kesa bigla-bigla ka na lang umiwas. Ang sakit nun ah. Hindi ko alam kung bakit. Pero nafall na ako sayo eh. HIndi ko alam kung anong meron ka na nagustuhan ko. PInapasaya mo ako sa tuwing magkasama tayo. Nakaklimutan ko mga problema ko sa tuwing kasama kita. Hindi ako naiilang sayo kahit ano gawin ko. Kahit na humiga ako sa balikat mo wala lang satin. Hindi natin pinapansin mga sinasabi ay iniisip ng ibang tao. Yung tanong na "Kayo ba?" Tinatawanan lang natin.

Sa tuwing naaalala ko lahat ng memories natin, hindi ko alam kung matutuwa ako kasi nakakilala ako ng taong kagaya mo or malulungkot ako kasi namimiss ko ung mga kakulitan at kalokohan …

Ikaw...

Ikaw...

Ikaw na nagbigay sa akin ng saya. Ikaw na nagbigay sa akin ng ligaya. Ikaw na lagi kong kausap, maghapon magdamag. Ikaw. Ikaw.

Sa panahong tayo'y magkausap, sa text man o sa chat... salamat.

Salamat at tayo'y nagkakilala.
Salamat at kita'y nakasama. Dahil sa mga panahong iyon, ako'y naging masaya.
Salamat sa pagpapatawa. Sa mga panahong ang pakiramdam ko'y parang naluluha.
Salamat sa pakikipagusap. Sa mga panahong ako'y naghahanap.
Salamat at nandiyan ka. Sa mga panahong gusto ko ng kasama.
Salamat. Salamat.

Pero ang lahat ng ito'y kelangan magtapos. Sa kadahilanang hindi kita kailanman mayayapos. Sapagkat ika'y nararapat sa iyong sinta, habang ako'y nakatadhnang mag-isa.

Nauunawaan ko, kung ganito ang naging kinahinatnan, sa aking palagay, ito'y akin din namang kagagawan. Na sa kalauna'y, akin din naming pinagsisihan.

Sa buhay nating ito, aking naunawaan. Na kung gustuhin nating maging mabuting magkaibigan, anuman ang mangyari, walang makakabu…