Skip to main content

"An open letter to the Man who made me fall and left Me"

Anyare satin? Bigla-bigla ka na lang hindi nagparamdam ah! Sakit nun sa totoo lang. Alam ko naming wala kang pake kasi ang saya-saya mo nga eh. Alam mo, inggit na inggit ako sayo eh. Buti ka pa kaya mong maging masaya. May nagawa ba ako sayo? Parusa ko ba ito? Ako ba ang dahilan ng break-up niyo? sana naman sinabi mo na lang  lahat sakin kesa bigla-bigla ka na lang umiwas. Ang sakit nun ah. Hindi ko alam kung bakit. Pero nafall na ako sayo eh. HIndi ko alam kung anong meron ka na nagustuhan ko. PInapasaya mo ako sa tuwing magkasama tayo. Nakaklimutan ko mga problema ko sa tuwing kasama kita. Hindi ako naiilang sayo kahit ano gawin ko. Kahit na humiga ako sa balikat mo wala lang satin. Hindi natin pinapansin mga sinasabi ay iniisip ng ibang tao. Yung tanong na "Kayo ba?" Tinatawanan lang natin.

Sa tuwing naaalala ko lahat ng memories natin, hindi ko alam kung matutuwa ako kasi nakakilala ako ng taong kagaya mo or malulungkot ako kasi namimiss ko ung mga kakulitan at kalokohan natin. Ewan. Nalilito na ako. Araw-araw ko na lang tinatanong sa sarili ko kung anong ginawa ko. Kung may nagawa ba akong mali para masaktan ako ng ganito. May nagawa ba akong mali sayo? May nagawa ba ako? Siguro tatanggapin ko na lang talaga ito. SIguro tadhana talagang magkakilala tayo pero sa huli mawawala din ung kung anong meron tayo. Miss na miss na kita. Sana mabalik  pa yung pagiging close natin. Lagi kong pinagdadasal na mabalik tayo sa dati. Na mabalik lahat sa dati. Mahal na mahal kita. I miss you. I hope na magbalik yung closeness natin.

---Anonymous (taken from Twitter)


EhrichDValiant

Comments

Popular posts from this blog

Isang Liham para sa Iyong Kaarawan

Ikadalawamput-dalawa ng Mayo, taong dalawang libo at labing-pito. Una sa lahat, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan. Nawa'y palagi kang maging masaya at malusog. Sana patuloy kang biyayaan ng Panginoong Maykapal ng madami pang magagandang bagay at kasiyahan na panghabambuhay. Hindi ko man magawang batiin ka ng personal, ito ma'y sa text o chat o messenger, pero nais kong ipabatid na hindi ko kailanman nalilimutan ang araw ng iyong kapanganakan bilang itinuring kitang isang mabuting kaibigan. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng ating pagkakaibigan, lubos pa din ang aking pasasalamat na minsa'y dumaan ka, namalagi kahit sandali at tuluyang umalis sa aking buhay. hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit tayo nagkaganito, kung anong nangyari kung bakit biglang nawalan ng komunikasyon at naging estranghero sa isat-isa. pero kahit na anong mangyari, ituturing ko pa din na isa ka sa pinakamagandang alaala na dumaan sa aking buhay. Maitutring kong isa ka

Bakit nga ba mahal kita?

Bakit Nga ba Mahal Kita? Matagal ko na itong tinatanong sa aking sarili. Bakit nga ba mahal kita? Paano ba nagsimula ang lahat? Paanong sayo tumibok ang aking puso? Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sayo natuon ang pagmamahal ko? Mga katanungang hanggang ngayon ay hindi ko mabatid ang mga kasagutan. Mga tanong na kailanman ay hindi ko siguradong masasagot. Mga katanungang bumabagabag sa aking isipan.   Sana balang araw, mahanap ko ang kasagutan sa mga tanong na yan. At sana balang araw, maintindihan ko ang lahat.   EhrichDValiant

What's with the Name?

What's with the Name? Bernard. Anu nga ba ang meron sa pangalan na yan? Bakit sa tuwing nababanggit ay parang isang tunog na kumukulinting sa aking tenga. Anong meron? Bakit mukhang apektado ako? Hindi ko man maipaliwanag ang dahilan, pero sa tuwing nasasabi ang pangalang yan ay ang daming mga alaala ang bumabalik sa aking isipan. Mga alaalang ginusto kong kalimutan pero sa mga pagkakataong ganito, hindi ko maipaliwabag ang nga nararamdaman. Sinasabi ng isipan ko na balewalain ang mga ito, pero parte ng puso ko ang nagsasabing higit sa lahat, masaya ang mga alaalang ito. Sino nga ba? Bakit nga ba? Ano pa ba ang dahilan? Ano pang merong panghawakan? Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Minsan nagaaway ang aking puso't isipan. Pero madalas, nagwawagi ang isipan. Siguro dahil mas matatag ang aking "will" para kalimutan ang lahat, sa kadahilanang wala namang patutunguhan. Walang pag-asang nagkaibigan. Pero bakit ganun? Pilit na sinisiksik