Skip to main content

Ikaw...

Ikaw...

Ikaw na nagbigay sa akin ng saya. Ikaw na nagbigay sa akin ng ligaya. Ikaw na lagi kong kausap, maghapon magdamag. Ikaw. Ikaw.

Sa panahong tayo'y magkausap, sa text man o sa chat... salamat.

Salamat at tayo'y nagkakilala.
Salamat at kita'y nakasama. Dahil sa mga panahong iyon, ako'y naging masaya.
Salamat sa pagpapatawa. Sa mga panahong ang pakiramdam ko'y parang naluluha.
Salamat sa pakikipagusap. Sa mga panahong ako'y naghahanap.
Salamat at nandiyan ka. Sa mga panahong gusto ko ng kasama.
Salamat. Salamat.

Pero ang lahat ng ito'y kelangan magtapos. Sa kadahilanang hindi kita kailanman mayayapos. Sapagkat ika'y nararapat sa iyong sinta, habang ako'y nakatadhnang mag-isa.

Nauunawaan ko, kung ganito ang naging kinahinatnan, sa aking palagay, ito'y akin din namang kagagawan. Na sa kalauna'y, akin din naming pinagsisihan.

Sa buhay nating ito, aking naunawaan. Na kung gustuhin nating maging mabuting magkaibigan, anuman ang mangyari, walang makakabuwag sa samahan. Alam ko sa umpisa pa lang, na ikaw at ako ay hindi magiging tayo. Siguro dahil sa ako'y ganito? hindi ko man lubusang maintindihan, pero alam ko ang iyong paninindigan.

Sa aking pagkamulat sa katotohanan, nais ko naman ay ang sarili ko ang aking pahalagahan. Siguro  naman ito'y tama lang, para naman sa aking susunod na paglalakbay, aking matagpuan, ang tunay na lalakeng magmamahal.

Sa istorya nating ito, hindi man naging perpekto, pero gusto kong ipahiwatig, isang bagay na naging masakit. Ang paghihiwalay natin ay hindi tama, na ang pagkakaibigan ay bigla na lang nawala, naglahong parang bula.

Dumarating ako sa puntong gusto na kitang kausapin, pero andun pa rin ang pangambang  baka hindi mo ako pansinin.  Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, pero ang alam ko lang, maxado na siguro akong nahumaling. Isang araw, nasabi ko na ika'y aking gusto, pero ang nakuha kong sagot, tinawanan mo lang ako. Siguro isa na yun sa dahilan, para kita'y iwasan. Para hindi na din maipagpatuloy ito, itong nararamdamang hindi kailanman masusuklian ng buo.

Salamat. Salamat sa mga ala-alang iyong nilaan, sa maikling panahon na iyong pinaramdam. Na ako'y mahalaga, na sa ating pagkakaibiga'y, walang masama.

Ikaw. Ikaw na nagbigay sa akin ng inspirasyon. Ikaw na nagbigay sa akin ng tamang direksiyon. Salamat. Pero sa pagkakataong ito, kailangang kalimutan ito. Sapagkat hindi nararapat, sapagkat hindi ako karapat-dapat. Pero salamat pa rin sa mga oras na nilaan, nagkaron tayo ng walang kwentang usapan. Pero ako'y naging masaya, kahit na hindi tama.

Ngayon, kailangan na sigurong kalimutan, mga masasayang nakaraan. kailangan na magmove-on, kailangan na muling bumangon. Maghanap ng inspirasyong bago, na hindi alam kung nasaan ito.

Salamat. Salamat at pinaintindi mo sa akin, ang kasiyahang dati ko lang hinihiling sa panalangin. Salamat sa mga aral na sa aki'y tinuro, na ang akala ko lang ay mababasa ko lamang sa mga libro.

Siguro, hanggang dito na lang ito, sapagkat kailangan ko nang ihinto. Itong pagsamo ko sa Maykapal, na sana isang araw magbalik ka at ako na'y mahal.

Salamat. Ikaw.

EhrichDValiant
 

 

Comments

Popular posts from this blog

What's with the Name?

What's with the Name?

Bernard. Anu nga ba ang meron sa pangalan na yan? Bakit sa tuwing nababanggit ay parang isang tunog na kumukulinting sa aking tenga. Anong meron? Bakit mukhang apektado ako?

Hindi ko man maipaliwanag ang dahilan, pero sa tuwing nasasabi ang pangalang yan ay ang daming mga alaala ang bumabalik sa aking isipan. Mga alaalang ginusto kong kalimutan pero sa mga pagkakataong ganito, hindi ko maipaliwabag ang nga nararamdaman. Sinasabi ng isipan ko na balewalain ang mga ito, pero parte ng puso ko ang nagsasabing higit sa lahat, masaya ang mga alaalang ito.

Sino nga ba?

Bakit nga ba?

Ano pa ba ang dahilan?

Ano pang merong panghawakan?

Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Minsan nagaaway ang aking puso't isipan. Pero madalas, nagwawagi ang isipan. Siguro dahil mas matatag ang aking "will" para kalimutan ang lahat, sa kadahilanang wala namang patutunguhan. Walang pag-asang nagkaibigan.

Pero bakit ganun? Pilit na sinisiksik ng aking puso an…

Isang Liham para sa Iyong Kaarawan

Ikadalawamput-dalawa ng Mayo, taong dalawang libo at labing-pito.

Una sa lahat, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan. Nawa'y palagi kang maging masaya at malusog. Sana patuloy kang biyayaan ng Panginoong Maykapal ng madami pang magagandang bagay at kasiyahan na panghabambuhay.

Hindi ko man magawang batiin ka ng personal, ito ma'y sa text o chat o messenger, pero nais kong ipabatid na hindi ko kailanman nalilimutan ang araw ng iyong kapanganakan bilang itinuring kitang isang mabuting kaibigan. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng ating pagkakaibigan, lubos pa din ang aking pasasalamat na minsa'y dumaan ka, namalagi kahit sandali at tuluyang umalis sa aking buhay. hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit tayo nagkaganito, kung anong nangyari kung bakit biglang nawalan ng komunikasyon at naging estranghero sa isat-isa. pero kahit na anong mangyari, ituturing ko pa din na isa ka sa pinakamagandang alaala na dumaan sa aking buhay.

Maitutring kong isa ka sa m…