Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

What if ...

Uu nga naman! What if. Pag hindi ni-try, hindi malalaman ang kasagutan sa what-if na yan. Kung hindi bibigyan ng pagkakataon, walang kasagutan. Kung hindi susubukan, at susukuan na lang, hindi mabibigyan ng pagkakataong yumabong ang samahan. Kung hindi bibigyan ng halaga, hindi mabibigyan ng pagkakataong maging masaya. Ano bang pumipigil? Ano bang sumasalungat? Anu bang nagpapakumplikado? Ano bang maling dahilan? Ano bang masama, kung bibigyan ng pagkakataong maging masaya? Ano bang mangyayari, kapag sa umpisa pa lang ay pinutol na? Wala. Wala. Walang mangyayari. Hindi magiging masaya. Hindi magiging maligaya. Ang sana isang pagkakataong maging masaya at makapagpasaya ng ibang tao, at lalong mapaligaya ang sarili.  Ang isa sanang pagkakataong maisantabi at tuluyan nang maiwaglit ang isang nakaraan. Isang nakaraan na sa isip ay pilit na iwinawaksi pero sa puso ay pilit na binabalik. Anu nga ba ang tama? Pero anu din ba ang mali? Laging sinasabi ng iba na