Uu nga naman! What if. Pag hindi ni-try, hindi malalaman ang kasagutan sa what-if na yan. Kung hindi bibigyan ng pagkakataon, walang kasagutan. Kung hindi susubukan, at susukuan na lang, hindi mabibigyan ng pagkakataong yumabong ang samahan. Kung hindi bibigyan ng halaga, hindi mabibigyan ng pagkakataong maging masaya. Ano bang pumipigil? Ano bang sumasalungat? Anu bang nagpapakumplikado? Ano bang maling dahilan? Ano bang masama, kung bibigyan ng pagkakataong maging masaya? Ano bang mangyayari, kapag sa umpisa pa lang ay pinutol na? Wala. Wala. Walang mangyayari. Hindi magiging masaya. Hindi magiging maligaya. Ang sana isang pagkakataong maging masaya at makapagpasaya ng ibang tao, at lalong mapaligaya ang sarili. Ang isa sanang pagkakataong maisantabi at tuluyan nang maiwaglit ang isang nakaraan. Isang nakaraan na sa isip ay pilit na iwinawaksi pero sa puso ay pilit na binabalik. Anu nga ba ang tama? Pero anu din ba ang mali? Laging sinasabi ng ib...
What's with the Name? Bernard. Anu nga ba ang meron sa pangalan na yan? Bakit sa tuwing nababanggit ay parang isang tunog na kumukulinting sa aking tenga. Anong meron? Bakit mukhang apektado ako? Hindi ko man maipaliwanag ang dahilan, pero sa tuwing nasasabi ang pangalang yan ay ang daming mga alaala ang bumabalik sa aking isipan. Mga alaalang ginusto kong kalimutan pero sa mga pagkakataong ganito, hindi ko maipaliwabag ang nga nararamdaman. Sinasabi ng isipan ko na balewalain ang mga ito, pero parte ng puso ko ang nagsasabing higit sa lahat, masaya ang mga alaalang ito. Sino nga ba? Bakit nga ba? Ano pa ba ang dahilan? Ano pang merong panghawakan? Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Minsan nagaaway ang aking puso't isipan. Pero madalas, nagwawagi ang isipan. Siguro dahil mas matatag ang aking "will" para kalimutan ang lahat, sa kadahilanang wala namang patutunguhan. Walang pag-asang nagkaibigan. Pero bakit ganun? Pilit na sinisiksik...