Skip to main content

Ikaw...

Ikaw...

Ikaw na nagbigay sa akin ng saya. Ikaw na nagbigay sa akin ng ligaya. Ikaw na lagi kong kausap, maghapon magdamag. Ikaw. Ikaw.

Sa panahong tayo'y magkausap, sa text man o sa chat... salamat.

Salamat at tayo'y nagkakilala.
Salamat at kita'y nakasama. Dahil sa mga panahong iyon, ako'y naging masaya.
Salamat sa pagpapatawa. Sa mga panahong ang pakiramdam ko'y parang naluluha.
Salamat sa pakikipagusap. Sa mga panahong ako'y naghahanap.
Salamat at nandiyan ka. Sa mga panahong gusto ko ng kasama.
Salamat. Salamat.

Pero ang lahat ng ito'y kelangan magtapos. Sa kadahilanang hindi kita kailanman mayayapos. Sapagkat ika'y nararapat sa iyong sinta, habang ako'y nakatadhnang mag-isa.

Nauunawaan ko, kung ganito ang naging kinahinatnan, sa aking palagay, ito'y akin din namang kagagawan. Na sa kalauna'y, akin din naming pinagsisihan.

Sa buhay nating ito, aking naunawaan. Na kung gustuhin nating maging mabuting magkaibigan, anuman ang mangyari, walang makakabuwag sa samahan. Alam ko sa umpisa pa lang, na ikaw at ako ay hindi magiging tayo. Siguro dahil sa ako'y ganito? hindi ko man lubusang maintindihan, pero alam ko ang iyong paninindigan.

Sa aking pagkamulat sa katotohanan, nais ko naman ay ang sarili ko ang aking pahalagahan. Siguro  naman ito'y tama lang, para naman sa aking susunod na paglalakbay, aking matagpuan, ang tunay na lalakeng magmamahal.

Sa istorya nating ito, hindi man naging perpekto, pero gusto kong ipahiwatig, isang bagay na naging masakit. Ang paghihiwalay natin ay hindi tama, na ang pagkakaibigan ay bigla na lang nawala, naglahong parang bula.

Dumarating ako sa puntong gusto na kitang kausapin, pero andun pa rin ang pangambang  baka hindi mo ako pansinin.  Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin, pero ang alam ko lang, maxado na siguro akong nahumaling. Isang araw, nasabi ko na ika'y aking gusto, pero ang nakuha kong sagot, tinawanan mo lang ako. Siguro isa na yun sa dahilan, para kita'y iwasan. Para hindi na din maipagpatuloy ito, itong nararamdamang hindi kailanman masusuklian ng buo.

Salamat. Salamat sa mga ala-alang iyong nilaan, sa maikling panahon na iyong pinaramdam. Na ako'y mahalaga, na sa ating pagkakaibiga'y, walang masama.

Ikaw. Ikaw na nagbigay sa akin ng inspirasyon. Ikaw na nagbigay sa akin ng tamang direksiyon. Salamat. Pero sa pagkakataong ito, kailangang kalimutan ito. Sapagkat hindi nararapat, sapagkat hindi ako karapat-dapat. Pero salamat pa rin sa mga oras na nilaan, nagkaron tayo ng walang kwentang usapan. Pero ako'y naging masaya, kahit na hindi tama.

Ngayon, kailangan na sigurong kalimutan, mga masasayang nakaraan. kailangan na magmove-on, kailangan na muling bumangon. Maghanap ng inspirasyong bago, na hindi alam kung nasaan ito.

Salamat. Salamat at pinaintindi mo sa akin, ang kasiyahang dati ko lang hinihiling sa panalangin. Salamat sa mga aral na sa aki'y tinuro, na ang akala ko lang ay mababasa ko lamang sa mga libro.

Siguro, hanggang dito na lang ito, sapagkat kailangan ko nang ihinto. Itong pagsamo ko sa Maykapal, na sana isang araw magbalik ka at ako na'y mahal.

Salamat. Ikaw.

EhrichDValiant

Comments

Popular posts from this blog

Isang Liham para sa Iyong Kaarawan

Ikadalawamput-dalawa ng Mayo, taong dalawang libo at labing-pito. Una sa lahat, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan. Nawa'y palagi kang maging masaya at malusog. Sana patuloy kang biyayaan ng Panginoong Maykapal ng madami pang magagandang bagay at kasiyahan na panghabambuhay. Hindi ko man magawang batiin ka ng personal, ito ma'y sa text o chat o messenger, pero nais kong ipabatid na hindi ko kailanman nalilimutan ang araw ng iyong kapanganakan bilang itinuring kitang isang mabuting kaibigan. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng ating pagkakaibigan, lubos pa din ang aking pasasalamat na minsa'y dumaan ka, namalagi kahit sandali at tuluyang umalis sa aking buhay. hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit tayo nagkaganito, kung anong nangyari kung bakit biglang nawalan ng komunikasyon at naging estranghero sa isat-isa. pero kahit na anong mangyari, ituturing ko pa din na isa ka sa pinakamagandang alaala na dumaan sa aking buhay. Maitutring kong isa ka

"An open letter to the Man who made me fall and left Me"

Anyare satin? Bigla-bigla ka na lang hindi nagparamdam ah! Sakit nun sa totoo lang. Alam ko naming wala kang pake kasi ang saya-saya mo nga eh. Alam mo, inggit na inggit ako sayo eh. Buti ka pa kaya mong maging masaya. May nagawa ba ako sayo? Parusa ko ba ito? Ako ba ang dahilan ng break-up niyo? sana naman sinabi mo na lang  lahat sakin kesa bigla-bigla ka na lang umiwas. Ang sakit nun ah. Hindi ko alam kung bakit. Pero nafall na ako sayo eh. HIndi ko alam kung anong meron ka na nagustuhan ko. PInapasaya mo ako sa tuwing magkasama tayo. Nakaklimutan ko mga problema ko sa tuwing kasama kita. Hindi ako naiilang sayo kahit ano gawin ko. Kahit na humiga ako sa balikat mo wala lang satin. Hindi natin pinapansin mga sinasabi ay iniisip ng ibang tao. Yung tanong na "Kayo ba?" Tinatawanan lang natin. Sa tuwing naaalala ko lahat ng memories natin, hindi ko alam kung matutuwa ako kasi nakakilala ako ng taong kagaya mo or malulungkot ako kasi namimiss ko ung mga kakulitan at kalokoha