Skip to main content

What's with the Name?

What's with the Name?

Bernard. Anu nga ba ang meron sa pangalan na yan? Bakit sa tuwing nababanggit ay parang isang tunog na kumukulinting sa aking tenga. Anong meron? Bakit mukhang apektado ako?

Hindi ko man maipaliwanag ang dahilan, pero sa tuwing nasasabi ang pangalang yan ay ang daming mga alaala ang bumabalik sa aking isipan. Mga alaalang ginusto kong kalimutan pero sa mga pagkakataong ganito, hindi ko maipaliwabag ang nga nararamdaman. Sinasabi ng isipan ko na balewalain ang mga ito, pero parte ng puso ko ang nagsasabing higit sa lahat, masaya ang mga alaalang ito.

Sino nga ba?

Bakit nga ba?

Ano pa ba ang dahilan?

Ano pang merong panghawakan?

Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Minsan nagaaway ang aking puso't isipan. Pero madalas, nagwawagi ang isipan. Siguro dahil mas matatag ang aking "will" para kalimutan ang lahat, sa kadahilanang wala namang patutunguhan. Walang pag-asang nagkaibigan.

Pero bakit ganun? Pilit na sinisiksik ng aking puso ang pag-asang baka naman. Baka naman meron pang pag-asa. Pilit na binabalik ng puso kung anuman ang nangyari. Nangyaring maganda at hindi kanais-nais. Pilit na sinisigaw ng pusong sugatan, na siya pa din. Siya pa din ang nagookupa ng kalaliman ng puso. Pusong akin man, hindi ko na din maintindihan.

Sadyang ganyan siguro ang pagkakataon. Hindi man natin maipaliwanag, kelangan natin intindihin.

Bernard. Minsan kitang kinagiliwan. Minsan kitang pinagnasahan. Minsan kitang minahal. Minsang ako'y nabulag, minsang ako'y sumuway.

Pero sa pagkakataong ito, pinipilit kong kalimutan. Pero sa mga pangyayari, malungkot man, kailangang ipagkibit-balikat na lang.

At sa pagdating ng bagong katauhan, hindi na naman maipaliwag. Bakit sadyang apektado ako diyan sa pangalan na yan? Isang araw, bigla na lang akong napahinto at napaisip, anong meron? Pero ikaw, ikaw na tumawag sa akin ng "Madam" ang nagbalik sa akin sa tunay na mundong ginagalawan. Mundong mapanakit at mahigpit, pero mundong mapagmalasakit sa mga taong gustong kumawala ng pilit.

Salamat.

Salamat sa pagbawi sa akin sa ilusyong pilit na bumabalik. Pero hanggang dun na lamang, sapagkat hindi karapat-dapat. Dito lang ako, at diyan ka lang.


EhrichDMighty

Comments

Popular posts from this blog

Ikaw...

Ikaw...

Ikaw na nagbigay sa akin ng saya. Ikaw na nagbigay sa akin ng ligaya. Ikaw na lagi kong kausap, maghapon magdamag. Ikaw. Ikaw.

Sa panahong tayo'y magkausap, sa text man o sa chat... salamat.

Salamat at tayo'y nagkakilala.
Salamat at kita'y nakasama. Dahil sa mga panahong iyon, ako'y naging masaya.
Salamat sa pagpapatawa. Sa mga panahong ang pakiramdam ko'y parang naluluha.
Salamat sa pakikipagusap. Sa mga panahong ako'y naghahanap.
Salamat at nandiyan ka. Sa mga panahong gusto ko ng kasama.
Salamat. Salamat.

Pero ang lahat ng ito'y kelangan magtapos. Sa kadahilanang hindi kita kailanman mayayapos. Sapagkat ika'y nararapat sa iyong sinta, habang ako'y nakatadhnang mag-isa.

Nauunawaan ko, kung ganito ang naging kinahinatnan, sa aking palagay, ito'y akin din namang kagagawan. Na sa kalauna'y, akin din naming pinagsisihan.

Sa buhay nating ito, aking naunawaan. Na kung gustuhin nating maging mabuting magkaibigan, anuman ang mangyari, walang makakabu…

Isang Liham para sa Iyong Kaarawan

Ikadalawamput-dalawa ng Mayo, taong dalawang libo at labing-pito.

Una sa lahat, nais kong batiin ka ng Maligayang Kaarawan. Nawa'y palagi kang maging masaya at malusog. Sana patuloy kang biyayaan ng Panginoong Maykapal ng madami pang magagandang bagay at kasiyahan na panghabambuhay.

Hindi ko man magawang batiin ka ng personal, ito ma'y sa text o chat o messenger, pero nais kong ipabatid na hindi ko kailanman nalilimutan ang araw ng iyong kapanganakan bilang itinuring kitang isang mabuting kaibigan. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng ating pagkakaibigan, lubos pa din ang aking pasasalamat na minsa'y dumaan ka, namalagi kahit sandali at tuluyang umalis sa aking buhay. hindi ko man lubos na maintindihan kung bakit tayo nagkaganito, kung anong nangyari kung bakit biglang nawalan ng komunikasyon at naging estranghero sa isat-isa. pero kahit na anong mangyari, ituturing ko pa din na isa ka sa pinakamagandang alaala na dumaan sa aking buhay.

Maitutring kong isa ka sa m…