Uu nga naman! What if.
Pag hindi ni-try, hindi malalaman ang kasagutan sa what-if na yan.
Kung hindi bibigyan ng pagkakataon, walang kasagutan.
Kung hindi susubukan, at susukuan na lang, hindi mabibigyan ng pagkakataong yumabong ang samahan.
Kung hindi bibigyan ng halaga, hindi mabibigyan ng pagkakataong maging masaya.
Ano bang pumipigil?
Ano bang sumasalungat?
Anu bang nagpapakumplikado?
Ano bang maling dahilan?
Ano bang masama, kung bibigyan ng pagkakataong maging masaya?
Ano bang mangyayari, kapag sa umpisa pa lang ay pinutol na?
Wala.
Wala.
Walang mangyayari.
Hindi magiging masaya.
Hindi magiging maligaya.
Ang sana isang pagkakataong maging masaya at makapagpasaya ng ibang tao, at lalong mapaligaya ang sarili. Ang isa sanang pagkakataong maisantabi at tuluyan nang maiwaglit ang isang nakaraan. Isang nakaraan na sa isip ay pilit na iwinawaksi pero sa puso ay pilit na binabalik.
Anu nga ba ang tama?
Pero anu din ba ang mali?
Laging sinasabi ng iba na hindi kailanman naging mali ang magmahal. Pero ang sabi ko naman, depende sa sitwasyon.
Hindi ligtas sa mata ng mga mapanuring mga tao ang bawat galaw, kaya nagiingat lamang.
Pero sa totoo lang, kung bibigyan lang ng pagkakataon, malalaman ang kasagutan. Kung ito ma’y isang pagkakamali, ituring natin itong leksiyon, at gawing gabay sa buhay, upang ang pagkakamaling ito’y, hindi na maulit. Subalit ang lahat ng bagay ay kailangang pagisipan ng mabuti, sapagkat ang nakasalalay ay isang buhay. Buhay na kasiyahan o buhay ng kabiguan. Kung ito ma’y kasiyahan, magpasalamat. Kung ito may kabiguan, wag magluksa. Bahagi ito mg buhay ng tao. Bahagi ito ng paglikha sa atin ng makapngyarihanh Maykapal. Bahagi ito ng pagiging isang normal na nilalang.
Hindi ko sinasabing tama, hindi ko din sinasabing mali. Ang sa akin lamang, karanasan ang magiging patunay.
Kaya ang sinasabi ko kaibigan, wag matakot sumubok. Wag matakot masaktan, dahil anu’t anu pa man, andito lang kami, iyong mga kaibigan.

Comments
Post a Comment